Sa ilalim ng matinding sikat ng araw, naglalakad sa kalye ang bulag na si Nanay Analiza para mamulot ng mga basura na maaari nilang ibenta. Ang nagsisilbi niyang mga mata, ang kaniyang anak na si James.

Pero hindi sa pamumulot ng basura nagtatapos ang papel ni Nanay Analiza bilang ina. Dahil pag-uwi niya ng bahay, kailangan pa niyang asikasuhin ang mga batang anak. Panoorin ang kuwento ng kanilang buhay sa video na ito ng "Front Row."


Sa kabila ng mahirap nila buhay, may panibagong pagsubok silang kakaharapin dahil sa panganganak ng 15-anyos niyang anak nang wala sa tamang panahon.



Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News