Nagbabalik sa Manila ang South Korean superstar na si Lee Min Ho ngayong 2025.

Inanunsyo ni Min Ho at ng kaniyang agency sa kanilang social media pages ang kaniyang "MINHOVERSE" fan meeting tour sa Asya.

Bibisita si Min Ho sa Manila pagkatapos ng Seoul, Bangkok, Macau, Taipei, at Jakarta. Pagkatapos nito, lilipad naman siya sa Tokyo.

"Countless Minoz have come together to create the world of Minho, MINHOVERSE. Now, let’s continue this journey together, even closer," anang post.

Gayunman, isinaad sa post na maaaring magbago ang iskedyul at ilalahad pa ang mga karagdagang detalye sa mga anunsyo sa hinaharap.

Dati na ring bumisita si Min Ho sa Pilipinas noon para i-promote ang kaniyang pelikula na “Gangnam Blues,” pati na rin ang kaniyang mga brand endorsement.

Kilala ang aktor sa kaniyang mga role sa "Boys Over Flowers," "The Heirs," "The King: The Eternal Monarch," at marami pang iba.

Bumida rin si Min Ho sa "When the Stars Gossip" kasama si Gong Hyo Jin.

Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News