Ilang insidente ng pag-atake ng mga buwaya sa mga residente ang naitala sa Balabac, Palawan. Para sa "Born To Be Wild," pinuntahan ni Doc Nielsen ang isang barangay kung saan nakunan ang viral photo na may lalaking nag-selfie habang nasa likod niya ang isang malaking buwaya na nagpapahinga sa gilid ng ilog.
Nang makita ni Doc Nielsen kung gaano kalapit ang isang paaralan sa ilog na tinitirhan ng mga buwaya, nangangamba siya sa aksidenteng maaaring mangyari.
Katunayan, noong isang taon ay isang estudyante na nasa gilid ng ilog ang nakagat at kamuntik nang malapa ng buwaya. Panoorin.
Ang isang mangingisda naman, ikinuwento kung papaano nilapa ng hinihinala niyang higit sa isang salt water crocodile ang kaniyang anak habang naghahanda sa pangingisda noong madaling araw ng Nobyembre.
Click here for more GMA Public Affairs videos:
--FRJ, GMA News