Sa dokyumentaryong "Gintong Butil," sumama si Sandra Aguinaldo sa mga manggagawa sa bukid para anihin ang mga palay hanggang sa pagbebenta nito sa mga traders.
Dito, nalaman niya ang dahilan kung bakit mas pinipili ng mga magsasaka na ipagbili ang kanilang mga palay sa mga negosyante kaysa sa National Food Authority para gawing NFA rice.
Pero hindi lang ang masalimuot na kalakaran sa bentahan ng palay ang nakita ni Sandra kung hindi maging ang mahirap na buhay ng mga manggagawa sa bukid; mga manggagawa na kahit sa kanila nagmumula ang pangunahing pagkain ng mga Pinoy, sila man ay nakararanas din ng gutom.
Alamin kung paano inaani ang gintong butil at ang buhay sa bukid sa episode na ito ng "iWitness."
Click here for more GMA Public Affairs videos:
--FRJ, GMA News