Tuwing ika-apat na Lunes sa buwan ng Hulyo isinasagawa ang State of the Nation Address o SONA ng pangulo ng bansa. Ginawa ito para mag-ulat ang Punong Ehekutibo sa Kongreso at sa mamamayan tungkol sa kalagayan ng bansa at mga planong gawin ng kaniyang administrasyon. Alam ba ninyo kung sino ang unang pangulo ng bansa na nag-SONA?

Ang ikalawang pangulo na si Pangulong Manuel Quezon ang unang lider ng bansa na nag-SONA noong 1935, at ginawa sa Legislative Building sa Maynila.

Samantala, sa limang SONA ni Pangulong Elpidio Quirino, isa rito ay ginawa niya habang nakaratay siya sa Johns Hopkins Hospital sa Baltimore, Maryland, USA noong 1950.

Napakinggan ng mga mambabatas at ng mga Filipino ang kaniyang SONA sa pamamagitan ng pag-ere sa radyo.

Sina Pangulong Emilio Aguinaldo at Pangulong Jose Laurel naman ang tanging mga pangulo na hindi nag-SONA dahil hindi iyon nakasaad sa Saligang Batas sa panahon ng kani-kanilang administrasyon.

Wala ring SONA noong panahon ng World War II,  magmula 1942 hanggang 1944.

Si Pangulong Ferdinand Marcos ang may pinakamaraming SONA na umabot sa 20 dahil sa kaniyang pananatili sa kapangyarihan mula December 1965 hanggang February 1986.

Apat na pagkakataon na hindi ginawa ni Marcos sa harap ng Kongreso ang kaniyang SONA noong 1973, 1974, 1975, at 1977.

Si Pangulong Sergio OsmeƱa (namuno sa bansa magmula August  1944 hanggang May 1946) ang may pinakakaunting SONA [isa lang], na naisagawa niya nang maibalik ang Philippine Commonwealth noong 1945. -- FRJ, GMA News