Batay sa isang report ng Commission on Audit, nasa mahigit 190,000 housing units na ang naipatayo ng National Housing Authority para sa mga pulis, sundalo, informal settlers at maging sa mga biktima ng bagyong Yolanda. Ang masaklap, sa nabanggit na bilang, halos 40 porsiyento lang ang may nakatira, ang iba nasa 60 porsiyento, nakatengga at bakante lang.
Balikan ang ginawang pagtutok ni Jun Veneracion tungkol sa kalagayan ng ilang housing projects ng gobyerno sa ulat na ito ng "Reporter's Notebook."
Click here for more GMA Public Affairs videos
-- FRJ, GMA News