Nasawi ang isang senior citizen nang masagasaan siya ng truck sa Tangub, Bacolod City.

Sa ulat ng GMA Regional TV News nitong Biyernes, inilahad ng driver ng truck sa mga awtoridad na hindi niya nakitang may tumatawid.

May tinatawag na “blind spot” area ang mga truck o bahagi na hindi nakikita ng driver ang mga katabing sasakyan dahil malaki at mataas ang harapan nito.

Nasa kustodiya na ng pulisya at nahaharap sa kaukulang reklamo ang truck driver, na hindi nagbigay ng pahayag.-- Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News