Isang naaganas na bangkay ng tao ang natagpuan sa damuhan sa Barangay Tugbungan sa Zamboanga City.

Sa ulat ng GMA Regional TV News nitong Biyernes, sinabi ng ilang residente na umaalingasaw na ang amoy ng bangkay kaya ito nadiskubre.

Nakita ang bangkay na nakabalot ng plastic ang ulo, samantalang nababalutan ng kumot ang katawan nito.

Hindi pa matukoy ng mga awtoridad ang kasarian ng bangkay dahil naaagnas na ito.

Pinaniniwalaang itinapon lang sa lugar ang biktima matapos na paslangin.

Hinihintay pa ang resulta ng awtopsiya sa bangkay na hindi agad matukoy ang pagkakakilanlan at kasarian nito.--Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News