Dinakip ang isang lalaki dahil sa panghahalay umano sa menor de edad niyang anak-anakan sa loob ng limang taon sa Talisay, Cebu.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles, sinabing isinalaysay ng biktima na walong taong gulang pa lamang siya nang mag-umpisa na siyang halayin umano ng kaniyang amain.

Hindi nakapagsumbong agad ang biktima dahil sa pananakot sa kaniya ng amain.

Nasa pangangalaga na ng DSWD ang biktima.

Nahaharap sa reklamong statutory rape ang suspek, na tumangging humarap sa camera.

Hindi rin nagbigay ng pahayag ang ina ng biktima. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News