Patay ang isang 43-anyos na babae matapos siyang tambangan sa Malasiqui, Pangasinan. Ang isa sa mga tinitingnang motibo sa krimen, ang kaniyang mga ari-arian.

Sa ulat ng GMA Regional TV sa Balitanghali nitong Huwebes, sinabing paalis ng bahay ang biktima nang pagbabarilin siya ng hindi pa matukoy na salarin.

Nagtamo ng tama ng bala ang babae sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Napag-alamang mag-iisang buwan pa lamang na nagbabalik-bayan ang biktima na nanggaling sa Amerika.

Hindi muna nagbigay ng pahayag ang kaanak ng babae.--Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News