Isang bangkay ng lalaki ang natagpuang nakagapos ang mga kamay at paa at nakabalot pa ang ulo sa Caramoran, Catanduanes.

Sabi ng pulisya, nakabalot ng packing tape ang ulo ng biktima, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Lunes.

Nakita raw ng isang grupo ng kabataan ang bangkay sa ilalim ng tulay.

Inaalam pa ang pagkakilanlan ng lalaki at kung sino ang pumatay sa kanya.

Inilibing agad ang bangkay sa public cemetery. —KG, GMA Integrated News