Sugatan ang isang 27-anyos na lalaki matapos siyang barilin ng kaniyang kaibigan na ex-boyfriend ng kaniyang kasintahan sa Cagayan de Oro City.

Sa ulat ng GMA Regional TV One Mindanao, na iniulat din sa Unang Balita nitong Huwebes, kinilala ang biktima na si Patrick Minerva, na nagtamo ng sugat sa hita.

Patuloy na pinaghahanap ng pulisya ang suspek na si Jess Anthony Daya, na tumakas matapos mamaril.

Selos ang tinitingnang anggulo ng mga awtoridad, dahil kinakasama ni Minerva ang dating nobya ni Daya.   

Nagpapagaling sa ospital si Minerva, na hindi nagbigay ng pahayag. â€”Jamil Santos/ VAL, GMA Integrated News