Patay ang isang batang sampung taong gulang matapos siyang mabaril sa Pamplona, Negros Oriental.

Sugatan naman ang tatlo niyang pinsan na mga menor de edad din, ayon sa ulat sa Unang Balita nitong Miyerkoles base sa impormasyong nakalap ng GMA Regional TV Balitang Bisdak.

Base sa imbestigasyon, naglalaro ang biktima at kanyang mga pinsan sa bahay ng kanilang lola nang may magpaputok ng baril.

Nakita na lang ang bata na nakahandusay na.

Hindi pa matukoy ang salarin.

Isang anggulong tinitingnan ng pulisya ang alitan umano ng pamilya sa kapitbahay. —KG, GMA Integrated News