GUINAYANGAN, Quezon - Dead on the spot ang mag-asawang magsasaka sa Barangay Dancalan Central, Guinayangan, Quezon makaraan silang pagbabarilin habang nag-aani ng niyog sa kanilang sakahan nitong Sabado ng umaga.  

Nagtamo ng tama ng bala sa ulo ang isa sa dalawang biktima habang sa dibdib naman tinamaan ang isa.

Kinilala ang mga nasawi na sina Randy Pedregal, 46-anyos at Analisa Pedregal, 50-anyos.

Agad raw na tumakas ang suspek matapos na maisagawa ang krimen.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng kapulisan upang matukoy ang suspek at ang motibo ng pagpatay. —KG, GMA Integrated News