Nagpagulong-gulong ang isang tricycle matapos pumulupot sa gulong nito ang isang sako sa kalsada sa Mangaldan, Pangasinan.

Sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon, na iniulat din sa State of the Nation, makikita ang pagdaan ng tricycle sa highway sa Barangay Salay.

Ilang saglit lang, pumulupot ang sako sa gulong nito, na nagresulta sa pag-tumbling nang ilang beses ng sasakyan.

Nagtamo ng sugat ang dalawang pasahero ng tricycle.

Dala ng dalawang lalaking nanunungkit ng mangga ang sako ngunit nilipad ito ng hangin. —Jamil Santos/ VAL, GMA Integrated News