Nasawi ang dalawang lalaki matapos saksakin ng balisong ng kanilang katrabaho sa Burgos, Pangasinan.

Sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Martes, kinilala ang mga biktima na sina Renato Nagel, at Pedro Retuya Jr., residente ng Barangay Poblacion kung saan nangyari ang krimen.

Ayon sa pulisya, nagtatrabaho ang mga biktima at ang suspek na si Ronnie Rivera sa isang itinatayong bahay nang magkaroon sila nang hindi pagkakaunawaan na nauwi sa pananaksak.

Tumakas ang suspek pero nahuli rin sa follow-up operation.

Sinisikap pang makuhanan ng pahayag ang suspek at ang kaanak ng mga biktima, ayon sa ulat. --FRJ, GMA Integrated News