Nasawi ang isang lalaking rider matapos mahulog sa bangin sa Cagayan de Oro City.

Sa ulat ng GMA Regional TV One Mindanao, na iniulat din sa Saksi nitong Lunes, sinabing nakaligtas naman ang angkas niyang live-in partner at kanilang aso.

Inirekomenda ng traffic unit ng Department of Public Works and Highways na magdagdag ng harang sa kalsada kung saan nangyari ang aksidente. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News