Nasawi ang isang 23-anyos na lalaki matapos mahulog mula sa isang tulay sa Batangas City.

Sa ulat ni Denise Abante sa Regional TV News nitong Lunes, sinabing nangyari ang insidente sa bypass road sa Barangay Domoclay.

Ayon sa awtoridad, patungo sa Sitio llaya ng nasabing barangay ang biktima nang sumalpok ito sa concrete barrier bago tuluyang nahulog mula sa tulay.

Hindi pa batid ang dahilan ng sakuna.

Isinugod pa sa ospital ang biktima pero idineklara siyang dead on arrival.

Sinusubukan pang makuha ang pahayag ng pamilya ng biktima.-- FRJ, GMA Integrated News