Nabulabog ang ilang residente at motorista sa Calasiao, Pangasinan dahil sa isang sawa, ayon sa ulat ng Unang Balita mula sa GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Lunes.
Nakitang nakapulupot ang sawa sa poste ng kuryente.
Ayon sa isang saksi, kumakain ang sawa sa isang puno at tila naligaw daw ito kaya napunta sa poste. Nakuryente raw ito at nanghina.
Iniligtas naman ng mga otoridad ang sawa na nakitaan daw ng sugat.
Ayon sa Municipal Environment and Natural Resources Office, posibleng lumalabas ang mga ahas mula sa kanilang habitat dahil nagugutom ang mga ito, naistorbo sa kanilang mga lungga, o sa nagbabagong klima. —KBK, GMA Integrated News