Nasa malubhang kondisyon ang isang turista mula sa Middle East matapos siyang bumagsak sa dagat habang nagpa-parasailing sa Boracay.

Sa ulat ni James Agustin sa Unang Balita nitong Biyernes, sinabing nangyari ang insidente noong Disyembre 29.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng Philippine Coast Guard na biglang lumakas ang hangin kaya humampas at bumagsak sa dagat ang turista na hindi muna pinangalanan.

Agad inilipad ang biktima sa Metro Manila para magamot. —Jamil Santos/KBK, GMA Integrated News