Ibinasura ng Cebu City Prosecutor’s Office ang reklamong robbery in band laban kay Jigger Geverola na itinuturong utak umano sa nangyaring pawnshop robbery noong nakaraang Nobyembre sa lungsod.
Sa ulat ng GMA Regional TV Balitang Bisdak nitong Martes, sinabing nakasaad sa resolusyon ng piskalya na walang nakitang matibay na ebidensiya na magsasangkot kay Geverola sa nangyaring krimen.
Dahil dito, iutusan ng piskalya ang pulisya na pakawalan na si Geverola kung wala na itong ibang kinakaharap na reklamo.
Kabilang si Geverola sa mga pumasa sa 2023 Bar examinations ngayon taon.
Habang nakadetine sa police station, inihayag niya ang pag-asa na makakadalo siya sa oath-taking and roll-signing sa Disyembre 22.
Kapag naging abogado, handa umano niyang tulungan ang mga nakadetine sa Cebu City Police Office na "pro bono" o libre. --FRJ, GMA Integrated News