Wala nang buhay nang matagpuan sa isang creek ang isang bagong silang na lalaking sanggol sa La Castellana, Negros Occidental.

Sa ulat ng Balitanghali nitong Biyernes, sinabing natagpuan ng ilang bata ang sanggol na walang saplot at nakakabit pa ang pusod.

Hindi pa matukoy kung saan ipinanganak ang sanggol at ang pagkakakilanlan ng kaniyang mga magulang.

Inihabilin na sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang sanggol para mailibing. — Jamil Santos/RSJ, GMA Integrated News