Limang barangay chairman sa Sarrat, Ilocos Norte ang nakatanggap ng kandila at iba pang gamit panglamay bilang regalo, ayon sa ulat ng Unang Balita mula sa GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Huwebes.

Lahat ng regalo ay may pangalan daw ng limang barangay chairman.

Pinaiimbestigahan na ang insidente sa pulisya para malaman kung kanino at saan nanggaling ang mga regalo.

Nagtalaga na rin ng karagdagang tao ang provincial office ng Ilocos Norte para sa seguridad ng limang opisyal. —KBK, GMA Integrated News