Nalapitan na ang Piper plane na bumagsak sa kabundukan ng Isabela. Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ng lalawigan, hindi nakaligtas ang piloto nito pero may indikasyon naman na buhay ang kaniyang pasahero.
“Around 11:00am today, the rescuers that were dispatched yesterday have reached the wreckage of the Piper plane. Sadly, the pilot was found lifeless,” ayon sa pahayag ni Isabela PDRRMO head Constante Foronda.
Sinabi rin ni Foronda na wala sa binagsakan ng eroplano ang nag-iisang pasahero ng piloto pero may indikasyon na buhay siya.
“She appears to have survived the crash as indicated by a makeshift shelter that she presumably put up near the wreckage,” patuloy ng opisyal.
Kung magiging maganda ang panahon, sinabi ni Foronda na maaaring makuha ng rescuers ngayong Biyernes ang mga labi ng piloto para madala sa Cauayan City.
Kukuha rin ng K9 trackers sa Tactical Operations Group 2 para dalhin sa pinagbagsakan ng eroplano.
“Starting at the site of the wreckage, the K9 trackers will then follow the path that the passenger took through the scent that she left on the vegetation that she passed by,” ayon kay Foronda.
Nawala ang Piper PA-32-300 ng Fliteline Airways noong November 30, at nakita ang pinagbaksakan nito nitong Biyernes sa kabundukan na bahagi ng Barangay Casala sa San Mariano.—FRJ, GMA Integrated News