Nasawi ang isang anim na taong gulang na bata matapos siyang masagasaan ng bus sa San Jorge, Samar.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes, mapapanood ang CCTV footage ng pagtawid ng biktima malapit sa pedestrian lane sa Barangay Poblacion 1 nang mahagip siya ng bus.

Isinugod sa ospital ngunit hindi na umabot nang buhay ang bata na kinilalang si “Jack.”

Nasa kustodiya na ng pulisya ang 39-anyos na driver. —Jamil Santos/ VAL, GMA Integrated News