Buwis-buhay na pinigilan ng isang lalaking naka-vest na pang-traffic enforcer ang isang truck sa Marcos Highway sa Cainta, Rizal, ayon sa ulat sa 24 Oras Weekend ngayong Linggo.

Ayon sa video uploader, huminto noong una ang driver ng truck nang hulihin ng aniya'y enforcer, pero kalaunan ay bigla umano itong tumakas. Humarurot pa ang truck kahit muntik nang makaladkad ang lalaki.

Hindi pa tukoy kung sino ang driver ng truck.

Sinusubukan pa rin ng GMA Integrated News na matunton ang lalaki sa video. — BM, GMA Integrated News