Patay na at walang saplot pang-ibaba nang matagpuan sa loob ng septic tank ang isang babae na apat na taong gulang sa Pudtol, Apayao.

Sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon, sinabing unang napaulat ang bata na nawawala.

Hanggang sa may masangsang na amoy na nanggagaling sa nakasarang septic tank sa Barangay Mataguisi. Nang buksan ang septic tank, tumambad na ang bangkay ng biktima.

Ayon sa pulisya, unang nakita ang shorts at tsinelas ng bata malapit sa septic tank.

Lumilitaw din sa paunang imbestigasyon na may indikasyon na inabuso ang biktima.

"Ang initial findings, diagnosis ng doctor na tumingin sa kaniya, multiple physical injuries secondary to alleged murder and homicide. Nakitaan din ng alleged sexual abuse," sabi ni Police Captian Thomas Cayomba, hepe ng Pudtol Police Station.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa naturang krimen. --FRJ, GMA Integrated News