Isang batang babaeng walong taong gulang ang nasagasaan ng isang SUV sa Dasmariñas, Cavite.

Sa kuha ng CCTV, nakita ang bata na tumawid ng Aguinaldo Highway at tumigil sa island o sa gitna na kalsada, ayon sa ulat ni Bam Alegre sa Unang Balita nitong Lunes.

Makalipas ang ilang segundo ay tumakbo ang bata para muling tumawid sa kabilang bahagi ng highway.

Sakto namang paparating ang isang SUV at nasagasaan ang bata.

Tinamaan din ang motorsiklong nasa kanan ng SUV.

Tumama pa ang motor sa bata.

Ngunit kahit malakas ang pagkakabangga ay nakatayo pa ang bata matapos tulungan ng isa pang babaeng tumatawid.

Dinala sa ospital ang bata at ang rider ng motor.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente. —KG, GMA Integrated News