Nasawi ang isang babae sa Makilala, Cotabato matapos na gawing adobo at kainin ang nahuling palaka.
Sa ulat ng GTV "State of the Nation" nitong Huwebes, sinabing bukod sa biktima na si Marilyn Degemente, pinulutan din ng iba niyang kaanak ang palaka.
Ayon sa pamilya ng biktima, nakahuli si Marilyn ng palaka sa ilog at kinain ang atay nito.
BASAHIN: Pamilya, ikinuwento ang trahedya sa pagkakalason ng magkakapatid dahil sa kinaing palaka
Namanhid ang bibig, sumakit ang tiyan at sumuka umano ang biktima. Dinala siya sa ospital pero pumanaw din kinalaunan.
Ayon sa duktor, may likido sa bahagi ng katawan ng palaka na nagtataglay ng lason.
BASAHIN: Cane toad o karag, 'di dapat kainin dahil sa taglay na lason na inaatake ng puso
Inoobserbahan naman ang kalagayan ng mga kaanak ng biktima na kumain din ng palaka.
Hindi binanggit sa ulat kung anong uri ang palaka pero isa sa mga uri nito na nakakalason kaya hindi dapat kainin ay ang cane toad o karag, na magaspang ang balat.-- FRJ, GMA Integrated News