Nasawi ang isang 38-anyos na babaeng rider matapos na bumangga ang minamaneho niyang motorsiklo sa isang van sa Barangay Sta. Cruz sa Concepcion, Tarlac.

Sa ulat ng Mornings with GMA Regional TV nitong Huwebes, sinabing biglang nawalan ng kontrol sa manibela ang rider at napunta sa kabilang bahagi ng basang kalsada.

Dito na niya nakasalubong at nakabanggaan ang van.

Nagtamo ng matinding sugat sa ulo ang biktima na naging dahilan ng kaniyang pagkamatay.

Ligtas naman ang sakay ng van. --FRJ, GMA Integrated News