Kalunos-lunos ang sinapit ng isang mag-anak sa Kidapawan City matapos silang mahagip ng isang dump truck habang nasa kanilang tindahan ng prutas na malapit sa daan.

Sa ulat ng GMA Regional TV One Mindanao nitong Miyerkoles, nasawi ang ginang na buntis, pati ang kaniyang tatlong-taong-gulang na anak.

Sugatan naman ang kanilang padre-de-pamilya, pati na ang driver ng dump truck.

Patay sa imbestigasyon ng mga awtoridad, nawalan ng kontrol sa manibela ang driver ng truck pagdating sa pakurbang bahagi ng kalsada sa Barangay Ilomavis.

Bumulok ang truck at nahagip ang mag-anak na nasa kanilang tindahan ng prutas na nakatayo malapit sa kalsada.

Nagkaroon na umano ng pag-uusap ang pamilya ng biktima at may-ari ng truck na sasagutin ang gastusin sa libing ng mag-ina. --FRJ, GMA Integrated News