Isang pugot na bangkay ng babae ang natagpuan sa dalampasigan sa Lanao del Sur.

Sa ulat ng GMA Regional TV One Mindanao, na iniulat din sa Unang Balita nitong Miyerkoles, sinabi ng mga awtoridad na nakita ang katawan ng babae sa baybayin ng Barangay Bakikis.

Ayon sa ulat, hirap pa sa ngayon matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima.

Nakasuot ng pink at black floral long sleeves ang biktima, nakaitim na pantalon at nasa edad 30 hanggang 40.

Nilibing na ng mga awtoridad ang bangkay.

Nananawagan ang pulisya sa mga nawawalan ng kaanak na babae na makipag-ugnayan sa kanilang opisina. — Jamil Santos/RSJ, GMA Integrated News