Patay ang isang pitong taong gulang na babae matapos siyang mabagsakan ng buko na sinusungkit ng kanilang kapitbahay sa Kidapawan City, Cotabato.

Sa ulat ng GMA News "Saksi" nitong Lunes, sinabi ng pulisya na naliligo ang bata sa kubo nang mabagsakan siya ng buko sa ulo at likod.

Sinusungkit umano ng kapitbahay ang buko mula sa puno na pagmamay-ari ng pamilya ng biktima.

Sumuko sa mga awtoridad ang kapitbahay, ngunit pinakawalan din matapos makipag-areglo sa pamilya ng biktima.

Tutulong ang kapitbahay sa mga gastusin sa pagpapalibing ng bata. â€”Jamil Santos/ VAL/FRJ, GMA Integrated News