Isang bagong silang na sanggol ang natagpuang iniwan sa loob ng simbahan sa Bantayan Island, Cebu.

Sa ulat ng GMA Regional TV Balitang Bisdak, na iniulat din ng Unang Balita nitong Martes, sinabing natagpuang nakasilid sa kahon ang sanggol, na dinala ng kura paroko sa Bantayan Birthing Home para masuri.

Patuloy na inaalam ng health workers at Department of Social Welfare and Development kung sino ang ina ng sanggol.

Nanawagan ang kura paroko sa mga mabubuting loob para sa donasyon, lalo ang mga inang maaaring mag-breastfeed sa sanggol. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News