Patay ang isang 4-anyos na batang babae sa Davao City matapos sakalin umano ng sariling ina, ayon sa ulat ng Unang Balita mula sa GMA Regional TV One Mindanao nitong Martes.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nainis daw ang ina dahil matigas ang ulo ng bata kaya niya ito nasakal gamit ang pajama.

Dinala sa ospital ang bata pero binawian ito ng buhay kalaunan.

Napag-alaman din ng pulisya na matagal nang sinasaktan ng ina ang bata.

Hinihinalang may sakit sa pag-iisip ang ina kaya dinala siya sa mental hospital. —KBK, GMA Integrated News