Dead on arrival sa hospital ang isang 10-anyos na batang lalaki matapos makuryente sa Lopez, Quezon.

Sa ulat ng GMA Regional TV Balitang Southern Tagalog, na ini-report sa Unang Balita nitong Huwebes, sinabing nakuryente ang bata ng nakalaylay na live wire.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, lumalabas na hindi napansin ng bata na may nakalaylay na live wire sa may damuhan habang nanonood siya ng liga.

Dagdag pa ng mga awtoridad, basa raw ang damuhan kaya nakuryente ang bata. Ang nakalaylay na kable ay mula sa ikakabit sanang ilaw sa basketball court.

Hindi na magsasampa ang pamilya ng biktima ng reklamo laban sa naglagay ng kable sa basketball court, na natutulong umano sa gastos sa libing.

 

—LBG, GMA Integrated News