Hinahangaan ang mga miyembrong kabataan ng isang marching band sa Cavite dahil sa kanilang level-up na pangangaroling.

Sa Unang Balita sinabi ni Vonne Aquino na naging biglang masigla ang tahimik na gabi at punong-puno ng tugtugan, sayawan, at tawanan dahil sa mga kabataang tinagawag na "Waffer Band" na performace level ang pagtugtog ng pamaskong mga awit, at kumpleto sila sa brass instruments.

Mga miyembro din ang grupo ng mga kabataan ng Saint Jude 90 Band ng Maragondon, Cavite na tumutugtog sa Simbaha at mga pista.

Pwede ring umanog mag-request ng kanta sa Wafer Band basta alam nila ang piyesa ng tugtog.

Hindi rin daw sila nanghihingi ng malaking halaga, kahit magkano lang. Ang mahalaga ay at mga tao umano ay mapasaya. —LBG, GMA Integrated News