Nasawi ang isan 6-anyos na batang babae sa sunog sa Barangay Lagao, General Santos City.

Inulat sa Unang Balita nitong Huwebes na naiwang mag-isa ang biktima na natutulog sa kanilang bahay nang mangyari ang insidente.

Maaga daw na umalis ang mga magulang ng bata para mamalengke. Laking gulat na lamang umano ng mga kapitbahay nang biglang sumiklab ang apoy sa bahay ng biktima.

Patuloy ang imbestigasyon upang malaman ang sanhi ng apoy. —LBG, GMA Integrated News