Nagtamo ng mga sugat ang isang 12-anyos na batang lalaki na nangangaroling sa kalsada nang mabundol ng SUV sa Dagupan, Pangasinan.

Sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon, na iniulat din sa Unang Balita nitong Biyernes, sinabing nangangaroling ang bata  sa Barangay Tapuac kasama ang mga kaibigan para may pambili ng gamit sa eskuwela.

Nakiusap ang pamilya ng bata na sagutin ng nakabanggang driver ang gastusin sa pagpapagamot sa ospital.

Nakatakdang mag-usap ang dalawang panig.—Jamil Santos/LBG, GMA Integrated News