Kinaaliwan ng netizens ang isang "quest wheel of twist quiz" ng isang guro sa Visayas State University, Calinog Campus sa Iloilo.

Iniulat sa Unang Balita nitong Biyernes -- batay na rin sa ulat ng  GMA Regional TV One Western Visayas -- na imbes na papel, dahon ng saging ang ipinagamit ng teacher sa mga estudyante sa kanilang pagsusulit.

Ayon sa teacher, bagay naman ang kanilang ginawa dahil Agriculture ang kanilang subject at ang topic ay packaging.

Game-na-game naman ang mga estudyante sa pagsagot sa quiz sa dahon ng saging.

Kaya, kung time is up na, "pass your dahon." —LBG, GMA Integrated News