Timbog ang isang lalaki na wanted dahil sa pananaksak sa kaniyang mga kainuman, matapos ang isang taon niyang pagtatago sa Lumban, Laguna.

Sa ulat ni James Agustin sa “Unang Balita” nitong Martes, kinilala ang suspek na si Enrico Cruz, na may kasong homicide at attempted homicide.

Nasaksak ni Cruz ang kaniyang mga kainuman noong Oktubre 2021 sa Guiguinto, Bulacan, bago nagtago sa Lumban.

Ikinasa ng pulisya ang manhunt operation matapos ilabas ang warrant of arrest.

"Basta bigla na lang nila akong pinag-initan, pinagwala nila ako. Nangyari 'yung hindi maganda," pag-amin ni Cruz. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News