Inilunsad ng Department of Education ang kauna-unahang “Balsa-aralan” sa Balabac, Palawan.
Ayon sa ulat ng Unang Balita batay sa impormasyon ng Super Radyo Palawan nitong Huwebes, kasya ang 20 katao sa loob ng lumulutang na learning center gawa sa mga plastic drum.
Ang proyekto ay ginawa para sa mga mag-aaral ng Alternative Learning System. Kumpleto rin ito sa mga materyales para sa mga estudyante, kuryente, WiFi, at TV.
Nakatakdang lumayag ang pinakaunang Balsa-aralan sa Barangay Rabor upang magbigay ng kaalaman sa mga kabataang hindi pa nakapag-aral. — Alzel Laguardia/RSJ, GMA News