May papremyong house and lot at sasakyan ang lokal na pamahalaan ng Cebu City para sa mga magpapa-booster shot kontra COVID-19.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes batay sa ulat ng Super Radyo Cebu, sinabi ng lokal na pamahalaan na donasyon mula sa pribadong sektor ang mga papremyo.

Nilinaw din ng Cebu City LGU na para sa vulnerable sector ang papremyo.

Ayon sa mga awtoridad doon, mahina ang rollout ng booster kaya umaasa silang makahihikayat ang mga residente na magpa-booster dahil sa mga papremyo.

Noong nakaraang taon, nagsagawa ng Bakuna Bonanza ang lungsod para mahikayat ang mga residente na magpabakuna at makuha ang herd immunity laban sa COVID-19. —Jamil Santos/LBG, GMA News