Nilooban ang isang eskuwelahan sa Pamplona, Camarines Sur at nilimas ng magnanakaw ang mga gamit, ilang linggo bago ang pasukan.
Iniulat ng Unang Balita nitong Biyernes na sa report ng GMA Regional TV Balitang Bicolandia sinabing nangyari ang panloloob sa pampublikong paaralan sa elementarya.
Tinangay ng magnanakaw ang flat-screen TV, laptop, at computer set na nakatakda sanang gamitin ng mga estudyante sa darating na pasukan.
Ayon sa mga awtoridad, posibleng plenano ang pagnanakaw na isinagawa sa gabi noong walang naka-duty na gwardiya.
Inaalam pa ng mga awtoridad kung may kasabwat ang salarin.
Patuloy ang imbestigasyon sa panloloob. —LBG, GMA News