Isang 68-anyos na lola ang proud na nakapagtapos ng junior high school habang pinagsasabay ang kaniyang trabaho bilang barangay treasurer sa General Luna, Quezon.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles, kinilala ang masipag na lola na si Elena Padilla, na nanguna sa panunumpa ng mga graduate ng Alternative Learning System (ALS) sa kanilang batch.

Desidido si Lola Elena na ituloy ang kaniyang pag-aaral sa senior high at plano niya ring kumuha ng pag-aabogasya sa kolehiyo.

Gustong hikayatin ni Lola Elena ang mga kabataan na huwag bumitiw sa kanilang mga pangarap sa buhay. —Jamil Santos/VBL, GMA News