Kritikal ang lagay ng isang lola matapos siyang mabagsakan ng bunga ng niyog sa mukha habang natutulog sa Boac, Marinduque.
Sa ulat ng GMA Regional TV Southern Tagalog, kinilala ang biktima na si Mercedes Chavez, 75-anyos.
Base sa salaysay ng pamangkin ng biktima, nangyari ang insidente bandang 1 a.m. noong Linggo sa Barangay Canat kung saan natutulog noon si Chavez nang biglang bumagsak ang isang puno ng niyog sa bubong kanilang ng bahay.
Lumusot ang bunga ng niyog sa bubungan at dito na nasapul sa mukha ang matanda.
Agad dinala sa Marinduque Provincial Hospital ang biktima pero pinayuhan ang pamilya ng lola na dalhin siya sa mas malaking ospital sa Batangas para ipagpatuloy doon ang gamutan.
Humihingi naman ng tulong ang pamilya sa may mabubuting kalooban.
Sa mga nais magpadala ng tulong, maaaring magpadala sa sumusunod:
Jemma Mascareñas
GCash: 0912-689-1378
—Jamil Santos/VBL, GMA News