Tatlong na truck at isang wing van ang nahulog sa dagat matapos tumagilid ang cargo vessel na sinasakyan ng mga ito sa pantalan ng Real, Quezon.
Sa paunang impormasyon mula sa Philippine Coast Guard (PCG), sinabing nagkakarga ang cargo vessel LCT Balesin, nang mawalan ito ng balanse at tumagilid.
"It led to overboard four vehicles including one wing van loaded of frozen goods, one dump truck of sand, one dump truck of gavel, and one wing van loaded of steel bar," ayon sa PCG.
Sinabi pa ng PCG na mayroon 25 katao ang sakay sa barko na kinabibilangan ng 11 auxiliary workers, nine crew, at limang driver.
Nakaligtas naman ang mga sakay nito.
Nagsasagawa na umano ng operasyon para makuha ang mga sasakyan at produktong nalaglag sa dagat.—FRJ, GMA News