Naipit ng gumuhong pader ang isang bata sa Panacan sa Davao City, at nasa ligtas na kalagayan na ang biktima.
Iniulat sa Unang Balita nitong Miyerkules na batay sa video na kuha ni Darlene Gonzales, nakadapa ang 7-anyos na batang lalaki habang nakadagan ang isang tipak na pader sa kanya.
Nagtulong-tulong ang mga residente upang masagip ang batang nanghihina na.
Dinala siya sa ospital at ngayon ay maayos na ang kanyang kalagayan.
Pahayag ng ina ng bata, nagpapahinga sila noon matapos maghanap ng mga na niyog upang gawing copra nang bilang bumigay ang pader. —LBG, GMA News