Itinuturing na umanong peste ang mga macaque -- isang uri ng unggoy -- sa bayan ng Banton sa Romblon dahil mas marami na umano ang populasyon nito kaysa sa mga residente doon.
Nagiging peste na umano ang mga ito sa mga pananim ng mga magsasaka.
Sa katunayan, may reward system na ang bayan sa mga makahuli ng unggoy-- P100 bawat buntot.
Pinapayagan na rin ang pag-trap at pagsilo sa mga unggoy, at pagkarne upang kainin ng mga residente.
Ine-report na umano ng mga residente ng Banton sa Department of the Environment and Natural Resources (DENR) ang matagal na nilang problema sa mga unggoy sa isla ng Banton.
Ayon sa DENR, nagpadala ng team sa isla upang i-assess ang sitwasyon. At nakita umano ng team na yung ang paglago ng secondary forest ay hindi na sapat para sa mga pangangailangan ng naturang mga unggoy (long-tailed macaque).
Dahil dito, nakikipag-unahan ang mga unggoy sa pagkain ng mga tao.
Ayon sa DENR, hindi sila sinabihan hinggil sa local ordinance sa panghuhuli ng unggoy. Sinabi nilang labag umano ito sa batas.
Dapat umanong pag-usapan muna ang problema sa pagitan ng DENR at ng lokal na pamahalaan ng Banton.
Ayon sa lokal na pamahalaan, handa naman umano silang sumunod kung anuman ang desisyon hinggil sa kanilang ordinansa na ipnatutupad laban sa mga macque. Pero humiling sila ng pang-unawa dahil sa perwisyong dulot ng mga ito. —LBG/FRJ, GMA News