Nasabat ng mga awtoridad ang mga pekeng brand ng helmet, exhaust fans, at sapatos na aabot sa halos P600 milyon ang halaga mula sa isang bodega sa Kawit, Cavite.
Sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes, sinabing bumungad ang mga pekeng produkto sa mga tauhan ng Department of Trade and Industry (DTI) at Bureau of Customs.
Nakadikit din ang mga pekeng import commodity clearance (ICC) stickers para sa mga helmet.
Pahayag ng DTI, hindi pumasa sa saftey standards ang mga produkto kaya delikado itong gamitin.
Para makasiguro kung pasado sa quality standard ang isang produkto, dapat i-download ang ICC verification app at i-scan ang sticker.
Pinadalahan na ng mga awtoridad ng sulat ang may-ari ng warehouse, pero hindi pa ito tumutugon.
Mahaharap sa kasong paglabag sa Philippines Standards Law ang importer ng items. —LBG, GMA News